Buwan ng wika idinaos

Ipinagdiwang ng Baguio Central University ang buwan ng wika noong Agosto 31, 2018 na ginanap sa Magsaysay Auditorium at may temang Filipino: “Wika ng saliksik”.

Pormal na binuksan ang programa sa pangunguna ng panauhing pandangal na si Dr. Juilus T. Gat-eb, puno ng Filipino ng Ub science Senior High School.

Paglikha ng poster, tula, sanaysay at slogan ang isinagawa ng kolehiyo. Sa paglikha ng tula ay nanguna si G. Marc Coroña at nasa pangalawang puwesto naman si Bb. Lovely Kay B. Lang-ay. Nanguna naman sa larangan ng paggawa ng poster si Bb. Rea Balala, pangalawa si Bb. Alexis Cyrish D. Dasalla at pangatlo si G. Jimuel L. Pernia.

Muling naguna si g. Marc Coroña sa paglikha ng sanaysay na sinundan ni Bb. Mylene G. Bucasan, samantala sa paglikha ng slogan ay nakamit ni Bb. Cherrylyn W. Madchawing ang unang puwesto na sinundan ni G. Matthew Exequiel Verzosa at pangatlo si Bb. Erika E. Marcelo.

Ang mga piling  mag aaral mula sa elementarya, Junior High School, Senior High school at kolehiyo ay nagpakita ng galing sa kanilang inihandang presentasyon sa programa gaya ng pag awit at pag indak.

Ang pagdiriwang ay inorganisa ng College of Teacher Education and Liberal Arts sa pamumuno ni Dr. Juliet F. Urpiano, kasama ng mga mag aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino.